Just.keep.swimming?

I take pride in my swimming skills.. though i have constant paranoia about sharks. Andaming beses na din akong muntik malunod. But i’m still alive diba?

Pakiramdam ko ngayon, para akong nasa gitna ng dagat. Na nung tiningnan ko habang nasa pampang ko, kaya kong languyin, kaya sinuong ko. Pero nakakapagod pala. Kailangan ko nang bumalik. Kaso nauubusan na ko ng hininga. Nag-kick in na yung panic. Baka mamatay ako dito.. Isisipa mo yung mga paa mo. Kakampay ka pa din. Floating para magpahinga. Pero mag-isa ka lang. Walang makakatulong sayo. Kaya kahit ubos na hininga.. tutuloy ka padin. Mejo pathetic yung feeling. Biglang nawala yung pride sa swimming skills mo. Para kang isdang napunta sa lupa pero kabaligtaran. Pero tuloy. Tuloy. Kahit parang hindi natatapos. Mas bibilisan mo pa. Kasi parang susuko ka na. Hanggang biglang abot mo na yung buhangin. Biglang.. Shit. Buhay ka padin. Inabot mo. Hihinga ka ng malalim.. titingin sa paligid. Alam ba nila napagdaanan ko? Sasabihin ko ba? Tapos lilingon ka sa malalim na parte ng dagat na parang nakilala mo sya. Grabe. Muntik ka na nyang malamon. Tama na muna.

Hanggang sa susunod, pag lumipas na yung takot.. andyan na naman yung confidence. Kaya mo na naman ata.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s